Archive | Power of the Mind RSS feed for this section

Araw ng Kabuluhan

27 Apr

Dahil sa pabago-bagong panahon dito sa Pilipinas, or at least, dito sa Timog-Katagalugan, paiba-iba rin naman ang takbo ng buhay. Mayroong mga bata sa paligid na walang magawa (halimbawa na nito ang napaka-cute kong kapatid!) kaya naman inaya niya ako kahapon kung gusto ko raw bang magpagupit sa kanya.

Aba, at pumayag naman ako! I thought trim lang talaga na konti lang. Aba, aba, aba… Makailang saglit lang eh unti-unti nang nawala ang humigit-kumulang 1.5 to 2 inches ng buhok ko. Ang gulat ko eh… Not that bad naman ang pagkakagupit niya. In fact, sige na nga. Ayos lang. Hindi naman ako nagmukhang baliw. Para sa latest photo, tingnan lamang ang pic ko sa baba. Haha!

New haircut
New haircut

Summer nga naman, at kahit umuulan-ulan ngayon, ayos na rin. Parang nagpasalon! *with matching pa-sway-sway pa!*  ..  Siguro nga, napapanahon na rin kahapon upang putulin ang mga buhok kong may split-ends.

Anyways, aside dun sa haircut, napuna kong nitong mga nakaraang araw ay tila baga napaka-makabuluhan. Siguro ay dala na rin ng eagerness na makapasa ng board exams. Pero hindi rin… Siguro bugso ito ng power of the mind. Ika nga ng mga psychological experts, “You are the most powerful magnet in the universe! You contain a magnetic power within you that is more powerful than anything in this world, and this unfathomable magnetic power is emitted through your thoughts,” (Rhonda Byrne — from http://woopidoo.com/business_quotes/mind-quotes.com/).

Tunay nga naman, hindi ba? Well, kung hindi ka naniniwala sa akin, nasa sa’yo yun. Ang point ko lang eh nasa atin lang talaga ang kakayanang gawin ang nais natin. Oo, at maraming maaaring humadlang. Pupwedeng may mga aksidente o hindi inaasahang pangyayaring dumarating sa buhay natin. Ngunit bukod sa mga ito, tayo lamang at TAYO lang (oo, uulitin ko… IKAW at AKO) ang may hawak ng bukas natin.

***

Maiba tayo… Sumagi lamang sa isip ko — napakaraming blogs talaga ngayon, at sa lahat ng mga ito, samu’t-saring mga ideya ang kanilang pinopromote. Kumbaga, bawat blog, isang produkto. Lahat may kanya-kanyang istayl. Masasabi kong sa buong blogging life ko, marami na akong naging inspirasyong bloggers. Either natuwa ako sa kanyang paraan ng pagcommunicate o kaya naman, sa layout, o di kaya naman sa kanyang kakaibang mga ideya.

Naaliw ako sa pag-eexplore ng Internet nitong mga huling araw. At mula sa pagssite hopping, nadiscover ko ang ilang magagandang paraan upang bukod sa maging kaaya-aya ang blogging experience natin, ay mabahagi rin natin ang kagandahang ito sa ating mga viewers.

1. magpacontest! (yupp, maraming paraan nga… at inspired by Sir Jorge’s blog, natanto ko ang kahalagahan ng audience impact. Well, not necessarily namang dapat laging aim natin ay ang maaliw ang readers. Pero take note, kung nais nating maging meaningful ang buhay (including ang bloglife), mas okay na rin kung i-aapply ang konseptong ‘the more, the merrier.’ Kumbaga, as we grow into more experienced bloggers, lalabas at lalabas din ang tunay nating personalities. Kasi, attributing oneself into a work of art will definitely bring out the best in such crafts (para bang David’s Salon? 🙂 ).

2. i-express ang sarili – Syempre, ito ang isa sa main purposes ng isang blog, ang ilabas ang saloobin. Kasabay nito, ang pagbblog ay nagsisilbing avenue upang bigyang-diin ang stream of thoughts present sa atin. Pupwedeng nakaimbak na pala ang nais nating ibahagi, ready to be typed na lang. O kaya naman ay iniisip pa natin. Maalin man, ang lahat ng ating ilalagay sa blog ay sumasalamin sa kung sino tayo.

3. Magbigay-pugay sa mga natatanging sites, books, music, etc. – Sa pagbblog, tayo rin ay gumagawa ng tila mga review ng sari-saring paborito natin. Bukod sa mga ito, nagkakaroon din tayo ng pagkakataong magkomento sa mga latest events, trends, news, issues, etc. Kayapanaman, usong-uso ang mga ganitong uring blogs, dahil through them, we get to learn other people’s views on certain ideas.

4. Information pool – Yes, ang blog ay source ng kung anu-anong impormasyon. Kadalasan ngayon, dahil sa high tech na mundo, karamihan ng mga estudyante, kabataan, propesyonal, homemakers, atbp. ay kumukuha ng ideas o nagreresearch sa World Wide Web. Sa kabutihang-palad at dahil sa constant improvement ng blogging tools, pag sinuswerte nga naman, bigla na lang mapupunta ang mga net goers sa ating blogs. Maaaring dulot ito ng ating blogging home (like sa WordPress, may instant access na ang ibang tao dahil sa ‘ping’ access nito) o kaya naman ng ating sariling sikap. Pwede na pala tayong maglog-in sa Google at iregister ang ating site sa kanilang interface. Pronto! May possibility na mapabilang ang site sa online traffic.

***

Well, hindi lang naman para sa pagpapapansin ang silbi ng ating kinaaaliwang blogs. It is more of putting our hearts into it, seeing to it that we don’t get carried away by the hub of blogging. Making sure that we don’t lose our identities because of the trend that modernization lends into our souls.

***

On the other hand, as I was stumbling along one of the Stumbleupon sites, may isang site specializing on the mind ang aking natuklasan. Ito ay ang LiteMind.com. Sa site na ito ni Luciano Passuelo, isang Brazilian, ipinapakita ang magagandang facts, insights, atbp. ukol sa kapangyarihan ng ating utak. Napakasayang isipin, sapagkat dahil sa usaping ito, marami nga pala talagang very interesting things na dapat malaman ng bawat nilalang tungkol sa brain power.

Kaya naman pala ako ay naging super interested sa Psychiatric Mental Health Nursing at ilan pang mga topics related sa mind, personality, emotions, intelligence, behavior — sa kadahilanang ito ang tunay na nilalaman ng puso ko! Naks naman! Yepp, in fact, habang iniisip ko kung ano nga ba ang purpose ko sa buhay, natanto kong isa pala yun sa mga pangarap ko — na sana ay matupad.

Para sa karagdagang impormasyon sa nilalaman ng site, pumunta lamang sa link na nasa itaas. c”,)