Panibagong Simula sa Buhay ng Potato Girl

26 Jun

Napaka-overwhelming ng mga araw na lumipas. Tila ba nananadya ang tadhana at talagang sinusubok ang aming katatagan. NAMIN??!! wHAT the??… sinong namin? ahemmm… usyusera!

Ng aming pamilya… yupp.. Isang talagang napakakahindik-hindik na pangyayari ang sumambulat sa amin kahapon. Di ko na dedetalyehin pero nabibilang na ang aming pananatili sa aming bahay. Yun. Period.

Panu nga ba naman, eh retired na nga naman si Papa, pero kung tutuusin, ang problema eh kasi, hindi continuous ang sistema. Sabi, di raw approved ang appeal namin, giving us only 7 days to vacate. Nam*$&##!! (O, kung anu anu ata iniisip mo? naman yun!)

Biruin mo.. wala man lang konsiderasyon! Kung tutuusin, mga chuchu kasi. Alam mo yun, ginagawa na namin ang lahat para makacope sa buhay, pero ganun pa. Sabagay, hindi lang naman kami ang nagkakaganito. For sure, marami pa dyang iba. Kitams!

So ngayon, ano na ang plano? Eh di magsipag, magsipag, at magsipag. Anu pa nga ba? Ipagpaliban na muna ang happy-happy at magfocus sa kung ano ang priorities. Mahirap bang intindihin yun? Di ko alam sa’yo.

Kung ako ang tatanungin, madali lang naman eh. Ang SOLUSYON: PERA.

Oo, hindi nga importante sa kaluluwa ang pera, pero pano tatakbo ang mundo kung wala nito? Ang mga tao ngayon, ang focus ay pera. Kelangang makiride. Kung hindi talo ka. Ang labanan na lang, kung tatagal ka. Kung masisikmura mong ipakain sa pamilya mo ang mga nakaw na yaman. Kami, hindi eh. Hindi nagnakaw si Papa. Yun lang yun. Kung nagnakaw siya, e di siguro general na sya ngayon at kami ay hindi namumuhay nang ganito, parang mga dagang pinapaalis sa lungga.

Well, wish us luck. Kung makapagsulat pa uli ako after 7 days, ibig sabihin nahabag ang mga mokong. wahaha!

P.S. Hindi kami dapat kaawaan. ito ay isang realidad lamang na dapat makita ng gobyerno — na kung hindi babaguhin ang sistema, hindi aasenso ang puro middle class sa Pilipinas.

P.P.S. At para sa mga walang magawa kundi manisi, itigil nio na yan. Hindi ngayon ang panahon para manisi at bumalik sa nakaraan. Bumangon at piliting magpakatao. May mga bagay na hindi inaasahan. Kung isasarado ang utak sa akala mong tama, hindi uunlad.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: