Tamang Chill – Pinoy! (Relax muna tayo…)
Take some time to relax. Wag magpapa-stress. Siguro naman lahat nga tayo ay na-ii-stress. Pero ano ba naman ang maglibang paminsan-minsan??.. Halerr!!
Sya, sya, eto na.. Maki-usyoso sa aking mga piling paraan upang ma-inspire o magrelax.
Enjoy!
***
Bakit kaya nabo-bore ang mga tao?
- Dahil hindi natin maaming tayo ay tinatamad. Bored, mas cool ang dating.
- Hindi natin mabigyang-linaw ang mga tasks na dapat sana ay ating ginagawa, kaysa nagmumukmok at sinasabi sa ating sarili na bored tayo.
- Iniisip nating mayroong oras para ma-bore at may oras para magsipag.
- Talagang walang gagawin (ayon sa iyong guni-guni), ngunit meron naman pala, sabi ng nanay mo nung narinig ka niyang nagmamaktol! c”,)








